Nagprotesta na naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) matapos bumalik ang mahigit sa 100 Chineses vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Binigyang-diin ng DFA na iligal ang pamamalagi ng mga barko ng China sa Julian Felipe Reef na mababaw o bahagi ng low-tide elevation na saklaw ng karagatang karugtong ng high tide features sa Kalayaan Island Group noong Abril 4, 2022.

Matatandaang Marso 2021 nang mamataang nagkukumpulan ang mahigit sa 200 barko ng China sa Julian Felipe Reef kaya naghain ng protesta ang gobyerno.

Binanggit ng DFA na ang walang pahintulot na pananatili ng mga nasabing barko sa Julian Felipe Reef ay "lilikha lamang ng hindi pagkakaunawaan sa rehiyon."

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

“The persistent swarming of Chinese vessels is contrary to international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the final and binding 2016 Arbitral Award. It is also a violation of China’s commitments under the 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, in particular, the exercise of self-restraint pursuant to Paragraph 5 thereof,” paliwanag ng DFA.

“The Philippines regrets this Chinese violation of international law days after the successful 08 April 2022 telesummit between President Rodrigo R. Duterte and Chinese President Xi Jinping where the two leaders reaffirmed their commitment to solve issues of mutual concern through peaceful dialogue, and exercise restraint in any and all endeavors relating to the South China Sea,” pahabol ng ahensya.

Dahil dito, nanawagan ang Pilipinas sa China na sumunod sa kanilang obligasyon alinsunod na rin sa international law at itigil na rin ang hindi katanggap-tanggap na aksyon nito upang maiwasan ang maritime conflict.

Umapela pa ang DFA sa China na paalisin na ang mga barko nito sa lugar upang hindi na lumala ang sitwasyon.