Ang award-winning actor na si Cesar Montano ang gaganap na dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. habang ang anak naman niyang si Diego Loyzaga ang gaganap na Bongbong Marcos, o si President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

Ipinasilip ng magiging direktor ng pelikulang 'Maid in Malacañang na si Darryl Yap litrato kung saan makikita sa likod ang dalawang telebisyon na makikita ang litrato ng mag-amang aktor; nakasaad dito kung anong papel ang kanilang gagampanan.

May be an image of 6 people, people sitting, people standing and indoor
Larawan mula sa FB ni Darry Yap

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Nauna nang ipinasilip ang aktres na gaganap naman bilang dating First Lady Imelda Marcos, na walang iba kundi si beauty queen-turned-actress Ruffa Gutierrez.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/ruffa-gutierrez-gaganap-na-imelda-marcos-sa-pelikulang-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/06/04/ruffa-gutierrez-gaganap-na-imelda-marcos-sa-pelikulang-maid-in-malacanang/

Ang pelikulang ito ay magpapakita ng "the last 72 hours of the Marcoses inside the Palace through the eyes of one reliable source." Ang magiging panahon ng tagpuan ay noong 1986.

Hindi pa nire-reveal kung sino ang gaganap na 'Maid in Malacañang' ngunit matunog ang pangalan nina Toni Gonzaga at Juliana Parizcova Segovia na posibleng gumanap dito, batay sa usap-usapan sa social media.