Hindi pinaporma ng Boston Celtics ang Golden State Warriors,116-100, matapos dumayo ang huli sa Game 3 ng kanilang NBA Finals sa TD Garden sa Boston nitong Miyerkules (Huwebes sa Pilipinas).
Sa opening period pa lang ay kumamada na ng 17 puntos si Jaylen Brown na sinamantala ang hindi maayos na opensa ng Warriors.
Nagsimulang gumana ang opensa ng Warriors sa 2nd quarter hanggang sa pumasok ang half time sa iskor na 68-56 abante pa rin ang Celtics.
Sa pagpasok ng 3rd quarter, pinamunuan ni Stephen Curry ang sunud-sunod na puntos, kabilang ang pinakawalang tres. Naku
Sa huling bugso ng laban, gumawa ng three-point play si Otto Porter ng Warriors kaya naging dalawang puntos na laman ang abante ng Celtics, 82-80, limang minuto na lang sa regulation period.
Nakuha ng Golden State Warriors ang abante, 83-82, nang tumira ng tres si Curry 3:45 ang natitira.
Gayunman, naging mabilis ang ganti nina Jayson Tatum at Grant Williams hanggang sa makuha muli ang abante, 93-89 at nakontrol ng kanyang koponan ang laro hanggang sa maiuwi ang panalo.
Sa pagkakapanalo ng Celtics, nabalewala naman ang31 puntos ni Curry, 25 puntos ni Klay Thompson at 18 puntos ni Andrew Wiggins.
Itinakda ang Game 4 sa TD Garden sa Boston sa Hunyo 11.