Anim na kandidato sa pagkapangulo noong nakaraang national election ang nagsumite na nag kani-kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs).

Nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 8, ang deadline ng isang buwang panahon ng pag-file, si dating Manila mayor Francisco Domagoso ang pinakabagong kandidato sa pagkapangulo na naghain ng kanyang SOCE.

Ang iba pang aspirants na naunang nagsumite ng kanilang SOCE ay sina senador Panfilo Lacson, Dr. Jose Montemayor, Vice President Leni Robredo, at senador Manny Pacquiao.

Ang iba pang mga kandidato sa pagkapangulo na hindi pa naghahain ng kanilang SOCE ay sina labor leader Leody de Guzman, negosyanteng Faisal Mangondato, dating presidential spokesperson Ernesto Abella, at dating national security adviser Norberto Gonzales.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa kabilang banda, ang mga vice presidential candidates na hanggang ngayon ay naghain ng kanilang SOCE ay sina Dr. Willie Ong, Lito Atienza, Senate President Tito Sotto, Senator Kiko Pangilinan, Walden Bello, at Vice President-elect Sara Duterte.

Batay sa kanyang SOCE, ginastos ng presidential daughter ang lahat ng campaign contributions na natanggap niya na nagkakahalaga ng P216.19 million.

Ang in-kind na kontribusyon na nagkakahalaga ng P136.6 milyon ay nagmula sa kanyang partidong politikal, ang Lakas Christian Muslim Democrats habang ang isa pang P79.58 milyon na halaga ng in-kind na donasyon ay nagmula sa ibang mga mapagkukunan.

Sa ilalim ng batas, maaaring gumastos ng PHP10 bawat rehistradong botante ang mga kandidato para sa pagka-presidente at bise-presidente, habang ang ibang kandidato ay pinapayagang gumastos ng P3 bawat rehistradong botante.

Ang mga independyenteng kandidato ay pinapayagang gumastos ng P5 para sa bawat rehistradong botante sa panahon ng kampanya.

Samantala, ang mga nanalong senatorial candidates na naghain ng kanilang mga SOCE ay sina Loren Legarda, Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar, Alan Peter Cayetano, Jinggoy Estrada, at Robin Padilla.

Matatandaan na si Lacson ang kauna-unahang naghain ng kanilang SOCE noong Hunyo 3.

Ayon naman sa Commission on Elections (Comelec), hindi na palalawigin ng komisyon ang deadline ng paghahain ng SOCE.

“COMELEC Resolution No. 9991, as amended by Resolution No. 10505, governs campaign finance and disclosure. The June 8 deadline in relation to the 2022 NLE is final and non-extendible, except for winning candidates and party list groups,” ani Comelec-Education and Information Division (EID) Director James Jimenez nitong Miyerkules.