Sinagot ni outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman kung ano-ano ba ang kahaharapin nina Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas at VinCentiment director Darry Yap sa aprubadong resolusyon niyang gawing "persona non grata" ang dalawa kaugnay ng umano'y paglapastangan sa Quezon City triangular seal na makikita sa ginawang campaign video ni mayoral candidate at Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/qc-councilor-ivy-lagman-nagpaliwanag-sa-persona-non-grata-status-nina-ai-ai-darryl-direktor-may-tugon/">https://balita.net.ph/2022/06/08/qc-councilor-ivy-lagman-nagpaliwanag-sa-persona-non-grata-status-nina-ai-ai-darryl-direktor-may-tugon/

Para kay Darry, 'no hard feelings' siya sa nangyari, subalit nag-aalala siya para kay Ai Ai, na isang residente ng lungsod.

"To be fair, ayoko naman magmukhang nagmamalaki pa ako kahit sabihin ko na hindi ako taga-Quezon City because I’m from Mandaluyong. I have a condo in Mandaluyong and in Taguig pero I have friends in Quezon City. I have clients in Quezon City. So will it affect me? I think so,” ani Darryl, sa panayam sa kaniya ng SMNI nitong Hunyo 7.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“But Nanay Ai-Ai, si Ma’am Ai-Ai delas Alas po is a resident of Quezon City. I think she will be surprised. Nasa Amerika siya ngayon," sey pa ng dirtektor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/darryl-yap-nag-react-sa-pagiging-persona-non-grata-nila-ni-ai-ai-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/06/08/darryl-yap-nag-react-sa-pagiging-persona-non-grata-nila-ni-ai-ai-sa-qc/

Marami ring mga netizen at tagahanga ni Ai Ai ang nag-aalala kung paano na siya magtatrabaho ngayon sa GMA Network na ang main building ay nasa Kamuning, Quezon City.

Ayon sa ulat, nais lamang daw ni Lagman na magsagawa ng "sincere public apology" sa mga taga-Quezon City ang dalawa sa kanilang ginawa.

Malaya pa ring makapunta ang dalawa sa kahit na alinmang lugar sa Quezon City dahil ito ay resolusyon lamang at hindi naman sakop ng ordinansa. Wala rin silang kahaharaping penalty o pataw na multa. Ito raw ay "simboliko" lamang na ayaw ng mga taga-QC ang kanilang ginawa sa satire campaign video.

Nilinaw din ni Lagman, na matatapos na ang termino sa Hunyo 30, na walang kinalaman dito ang alkalde ng lungsod na si Quezon City Mayor Joy Belmonte na siyang ginaya ni Ai Ai sa campaign video. Sinuportahan naman siya ng kaniyang mga kasamahan.

Samantala, wala pang pormal na tugon, reaksiyon, o pahayag si Ai Ai tungkol dito na kasalukuyang nasa Amerika kasama ang mister na si Gerald Sibayan.

Batay sa kaniyang Instagram post at TikTok video ay nasa isang beach sila sa Sta. Monica, Los Angeles, California, USA.

"Bakit ako lumapit??? Hindi ko marinig ang music haha… laban lang sa lamig pero mas bumilib ako sa mga tao sa likod ko sa baba nagsi-swimming sa gabing napakalamig, pero ang ganda sa video no… actually pati sa picture maganda siya," ayon sa kaniyang caption.

Isang netizen naman ang nagkomento, "Unbothered ang idol ko sa mga bitter."