Ipinaliwanag ni outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman ang kaniyang panig tungkol sa aprubadong resolusyon niya na ideklarang 'persona non grata' sa lungsod ng Quezon ang mga personalidad na sina Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas at direktor ng VinCentiment na si Darry Yap.
Inaprubahan ng Quezon City Council nitong Martes ng gabi, Hunyo 7, ang resolusyon ni Lagman.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-kapag-deklaradong-persona-non-grata-ang-isang-tao/">https://balita.net.ph/2022/06/08/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-kapag-deklaradong-persona-non-grata-ang-isang-tao/
Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post, Martes ng gabi, Hunyo 7, ay inilatag ni Lagman ang kaniyang panig tungkol dito.
"Hindi ba dapat lang na ideklara na persona non grata sa QC ang mga at nambastos sa seal ng QC?"
"Maybe this will make all content creators think twice before posting anything on social media such as these videos."
"That Freedom of Expression is not absolute. Hindi naman basta-basta na lang po na pwede tayo mag-post ng mga gusto natin na hindi man lang pinag-isipan nang mabuti kung ano ang mga laman ng mga pinalalabas natin sa mga tao."
"Kung ang Freedom of Expression mo ay hindi minsan nararapat--katulad ng pagsayaw mo habang pinapatugtog ang national anthem o ang paggamit sa Philippine Flag nang hindi tama, etc., huwag natin itong gawing laging rason para lang mambastos. FYI Hindi po ito laban kay President-elect BBM and Vice President-elect SARA DUTERTE."
"Ito po ay patungkol sa paglapastang sa SEAL ng Quezon City."
"Yes you are free to be expressive with your work, but not at the expense of something which QCitizens hold in high regard. Quezon City prides itself with many achievements and showcases itself through its distinct corporate seal, the triangle with the pylon of Quezon Memorial Circle. It is created based on the powers given to the city through its Charter, Commonwealth Act No. 502 and Section 22(a)(3) of the RA7160 or the Local Government Code."
"Mahal po namin ang Quezon City at ang lokal na pamahalaan nito ay aming nirerespeto. Sana kayo rin."
Iginiit din ni Lagman na hindi man siya nanalo sa kaniyang pagtakbo para sa susunod na termino ng kaniyang posisyon, ay matagal na umano siyang naka-move on.
"Opo di po ako pinalad sa akin pangatlong termino ngunit matagal na din po ako naka move on, mga two (2) weeks na.
Kayo ba?"
Samantala, agad namang tumugon dito si Yap.
"Bagama't ang deklarasyong 'PERSONA NON GRATA' ay isang Resolusyon at hindi Ordinansa; walang kaakibat na batas— hindi po natin ito babale-walain; bibigyan natin ito ng pansin. Magandang Gabi po sa inyong lahat," caption ni Yap sa kaniyang quote card, na nakasaad na nag-iisp na siya at ang VinCentiment team ng magiging opisyal na pahayag, sa pamamagitan ng isang series.
Wala pang direktang tugon, reaksiyon o pahayag si Ai Ai, subalit ibinahagi niya ang TikTok video sa kaniyang Instagram post nitong Hunyo 8, na siya ay sumasayaw-sayaw habang nasa isang beach sa Sta. Monica, Los Angeles, California, USA.
"Bakit ako lumapit??? Hindi ko marinig ang music haha... laban lang sa lamig pero mas bumilib ako sa mga tao sa likod ko sa baba nag si swimming sa gabing napakalamig .. pero ang ganda sa video no …actually pati sa picture maganda sya .. #happywifehappylife #stamonica #goodvibes #losangeles #enjoylife," ayon sa caption ni Ai Ai.