Nag-deploy ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga miyembro at boluntaryo ng mga basic services team nito sa Juban, Sorsogon nitong Miyerkules, Hunyo 8.
Ito ay alinsunod sa walang-patid na tulong ng PRC sa mga biktima ng Bulusan Volcano phreatic eruption noong Hunyo 5.
Ang PRC Welfare Services Team ay nagtayo ng dalawang Welfare Desk upang magbigay ng psychosocial na pangunang lunas sa 699 na matatanda at mga aktibidad na pang-bata para sa 76 na bata na lumikas mula sa pagsabog.
As of 8:00 a.m, ang PRC Hot Meals on Wheels na ipinadala kaagad kasunod ng pagsabog ay nakapagsilbi na sa kabuuang 714 katao.
Ang PRC Hot Meals on Wheels ay isang food truck na naghahain ng hot meals sa mga nasalanta ng kalamidad sa buong bansa.
Bukod dito, nag-set up ang PRC Safety Services Team ng istasyon ng First Aid at naka-standby para sa anumang medical emergency.
Napagsilbihan nila ang 59 na mga pasyente na kinuha ang kanilang presyon ng dugo at ginamot ang tatlong mga pasyente para sa mga minor injuries.
Gayundin, ang Water, Sanitation, and Hygiene Unit ay nagsagawa ng aktibidad sa pagsulong ng kalinisan para sa 136 na indibidwal.
Ang PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) na si Senator Richard Gordon ay mahigpit na sinusubaybayan ang sitwasyon sa Juban at nagbibigay ng mga kinakailangang direksyon sa mga boluntaryo at kawani ng PRC.
“Ang Philippine Red Cross volunteers at staff ay may kasanayan at laging handang rumesponde sa ating mga kababayan sa ganitong mga oras ng emergency,” aniya sa isang pahayag.
Luisa Cabato