Dismayado si Hashtags member Nikko Natividad sa balita ng pagkakasagasa sa isang security guard habang nagmamando ng trapiko malapit sa isang mall sa Mandaluyong City ang isa sa mga miyembro ng Hashtags na si Kapamilya actor Nikko Natividad.

Matatandaang naging viral ang kuhang video kung saan kitang-kitang nasagasaan ng isang SUV ang sekyu, ngunit sa halip na tulungan ay tinakbuhan ito.

Ayon sa tweet ni Hashtag Nikko nitong Martes ng hapon, Hunyo 7, pinangarap umano niyang yumaman upang sagasaan ang financial problems subalit hindi para managasa ng ibang tao.

"Pangarap kong yumaman para sagasaan lahat ng financial problem namin. Hindi para managasa ng gwardya," ani Nikko.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dahil sa wala pang development tungkol sa kaso, nagpahayag naman ng tila pagkadismaya ang aktor sa sistema ng pagkakamit ng hustisya sa bansa.

"Nakakahiya ang sistema ng batas sa atin. Mahigit isang araw ng nasa hospital si kuya pero wala pa ring nangyayari. Nakakasuka na," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/nakakahiya-sistema-ng-batas-sa-atin-nikko-natividad-napa-react-sa-pagkakasagasa-sa-isang-sekyu/">https://balita.net.ph/2022/06/08/nakakahiya-sistema-ng-batas-sa-atin-nikko-natividad-napa-react-sa-pagkakasagasa-sa-isang-sekyu/

Sa isa pang tweet, pabirong sinabi ni Nikko na magpakayaman ang lahat upang magkaroon ng hustisya sa bansa.

"Pangarapin n'yo yumaman para ma-avail n'yo yung hustisya," aniya.

Samantala, dumulog naman sa programa ni Senator-elect Raffy Tulfo ang kapatid na lalaki ng sekyu dahil nagpapa-areglo raw ang kampo ng nakasagasa sa kaniyang kapatid.

Nagtungo raw sa ospital ang dalawang abogado ng may-ari ng SUV na nakasagasa sa sekyu. Napamura naman si Tulfo nang marinig ito, kaya inako na niya ang pagbabayad sa hospital bills nito.

Sa latest update, kinasuhan ng Mandaluyong Police ang security personnel sa subdibisyong tinitirhan ng suspek dahil umano sa "obstruction of justice" habang gumugulong ang kanilang imbestigasyon.