Isa sa mga naapektuhan ng balita ng pagkakasagasa sa isang sekyu habang nagmamando ng trapiko malapit sa isang mall sa Mandaluyong City ang isa sa mga miyembro ng Hashtags na si Kapamilya actor Nikko Natividad.

Matatandaang naging viral ang kuhang video kung saan kitang-kitang nasagasaan ng isang SUV ang security guard, ngunit sa halip na tulungan ay tinakbuhan ito.

Ayon sa tweet ni Hashtag Nikko nitong Martes ng hapon, Hunyo 7, pinangarap umano niyang yumaman upang sagasaan ang financial problems subalit hindi para managasa ng ibang tao.

"Pangarap kong yumaman para sagasaan lahat ng financial problem namin. Hindi para managasa ng gwardya," ani Nikko.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

https://twitter.com/Hashtag_nikko13/status/1534059471261286400

Dahil sa wala pang development tungkol sa kaso, nagpahayag naman ng tila pagkadismaya ang aktor sa sistema ng pagkakamit ng hustisya sa bansa.

"Nakakahiya ang sistema ng batas sa atin. Mahigit isang araw ng nasa hospital si kuya pero wala pa ring nangyayari. Nakakasuka na," aniya.

Sa isa pang tweet, pabirong sinabi ni Nikko na magpakayaman ang lahat upang magkaroon ng hustisya sa bansa.

"Pangarapin n'yo yumaman para ma-avail n'yo yung hustisya," aniya.

https://twitter.com/Hashtag_nikko13/status/1534061753080098817

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"This has been true since the beginning of human existence. The world will never be fair to the weak and poor."

"Basta mayaman, may kapangyarihan at may kilala sa gobyerno, expect na natin ganyan mangyayari. Delaying tactics 'yan, normal na nila ginagawa noon-noon pa. Kung malinis konsensiya, lilitaw agad 'yan, pero kung guilty, magtatago muna at magpapalamig onti."

"May case na pong naka-file."

"Nakakapikon pa lalo 'yung marinig sa awtoridad ang salitang 'iimbestigahan pa po namin' sa ganitong kaso. Lantaran na 'yung video, bulag ata sila?"

Samantala, dumulog naman sa programa ni Senator-elect Raffy Tulfo ang kapatid na lalaki ng sekyu dahil nagpapa-areglo raw ang kampo ng nakasagasa sa kaniyang kapatid.

Nagtungo raw sa ospital ang dalawang abogado ng may-ari ng SUV na nakasagasa sa sekyu. Napamura naman si Tulfo nang marinig ito, kaya inako na niya ang pagbabayad sa hospital bills nito.