Good news para sa mga nais mag-apply o mag-renew ng kanilang driver’s license nang hindi lumiliban sa trabaho!

Sa anunsyo ng Department of Transportation, Miyekules, magbubukas na simula Hunyo 11, Sabado, ang Land Transportation Office (LTO)-Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Hindi na kailangan ng appointment bago sumadya sa naturang LTO branch.

“Apply na ng NON-PROFESSIONAL DRIVER'S LICENSE dito sa LTO-PITX! Hindi lang renewal at new application, pati change classification at iba pa,” mababasa sa anunsyo ng DOTr.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Mayroon ding available na driving school at medical clinic kung sakaling kailangan ang mga serbisyong nabanggit.

Paalala ng DOTR, siguruhin lang na kumpleto ang requirements bago sumadya sa nasabing tanggapan.

Larawan mula DOTr via Facebook

Bukas ang LTO-PITX-Parañaque Licensing Center mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.