Sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo, naniniwala ang reigning Miss Universe na si Harnaaz Sandhu na dapat “universal values” ang karapatang pantao at pantay na pagtrato sa bawat isa.

Ito ang sentro ng kanyang mensahe para sa LGBTQIA+ community na ibinahagi ng Miss Universe organization (MUO) sa kanilang Instagram, Martes.

“Some values must be universal, like human rights and the equal worth of every human being,” ani Harnaaz.

Dagdag niya, “We should all have the freedom to live our lives colorfully with love and faith. Everyone deserves to be treated with dignity and recognized as a human before anything else.”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Bilang pakiisa rin ng MUO, babalikan nito ang ilang mga personalidad na naging bahagi ng kasaysayan ng LGBTQIA+ sa organisyon.

Noong 2018, si Angela Ponce ng bansang Spain ang kauna-unahang openly transgender delegate sa kasaysayan ng kompetisyon.

Noong 2021, ang finalist naman na si Beatrice Luigi Gomez ang kauna-unahang bisexual delegate ng Pilipinas para sa beauty pageant.

Ang Pride Month ay isang pagkilala sa kauna-unahang pagkilos na inilunsad ng ilang miyembro ng LGBTQIA+ sa makasaysayang 1969 Stonewall Riot sa New York City.

Basahin: Pride Festival sa Metro Manila, kasado na sa Hunyo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang naturang pagkilos ang nagsilang ng ilan pang protesta para ipanawagan ang pantay na karapatan ng lesbian, gay, bisexual, transgender, at questioning (LGBTQ) Americans na kalauna’y nagbasura sa mga batas laban sa mga pang-aabuso sa komunidad hindi lang sa Amerika kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.