Deklaradong 'persona non grata' sa Quezon City sina Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas at VinCentiment director Darryl Yap, ayon sa resolusyon ni outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman, dahil umano sa pambabastos at paglapastangan sa Quezon City triangular seal, sa lumabas na campaign material para kay mayoral candidate at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, na naging epektibo nitong Martes, Hunyo 7.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-tinuluyan-nang-maging-persona-non-grata-sa-qc/">https://balita.net.ph/2022/06/08/ai-ai-delas-alas-darryl-yap-tinuluyan-nang-maging-persona-non-grata-sa-qc/
Sa naturang parody campaign video, makikita ang pagganap ni Ai Ai bilang si Mayor Ligaya Delmonte. Sa likod ng background ay makikita ang QC triangular seal na may nakalagay na 'BBM-Sara'. Sina Delas Alas, Yap, at Defensor ay pawang mga tagasuporta ng UniTeam na pinangungunahan nina President-elect Bongbong Marcos, Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.
"The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and casted dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal,” ani Lagman sa isang pahayag.
“The people of Quezon City will not let anyone disgrace the official seal of Quezon City for personal and selfish interests.”
Iginiit din niya na “seal has been the official coat of arms of the city since it was approved by the Office of the President and adopted by the City Council on Feb. 3, 1997 through Resolution No. 10320, S-1975.”
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ai Ai na isang residente sa Quezon City. Kasalukuyan siyang nasa Amerika ngayon kasama ang mister na si Gerald Sibayan.
Ngunit nag-post siya ng kaniyang TikTok video entry sa kaniyang Instagram account nitong Hunyo 8. Wala naman siyang pahiwatig tungkol sa isyung kinasasangkutan niya ngayon sa Pilipinas.
"Bakit ako lumapit??? Hindi ko marinig ang music haha… laban lang sa lamig pero mas bumilib ako sa mga tao sa likod ko sa baba nagsi-swimming sa gabing napakalamig, pero ang ganda sa video no… actually pati sa picture maganda siya," ayon sa kaniyang caption.
Isang netizen naman ang nagkomento, "Unbothered ang idol ko sa mga bitter."
Si Darryl Yap naman ay kinapanayam ng SMNI. 'No hard feelings' daw siya sa nangyari.
"Mayor Joy Belmonte is a friend of Senator Imee Marcos and I’m completely aware of that. And Mayor Joy, way back then, a month ago, was in a race kontra naman kay Sir Mike Defensor," aniya.
“I don’t actually feel any hard feelings, or I don’t bear any ill feelings to Mayor Belmonte because she is entitled to feel offended or feel like inasar siya or nilait siya or anything,” dagdag pa niya.
"“Naniniwala ako na yung pagsampa sa amin, sorry hindi ko po nakuha yung pangalan ng natalong councilor kasi alam ko po, talo na yun, e… Anyways, kung sinuman yung natalong councilor na nag-file na kami po ay persona non grata, alam niyo po ang persona non grata, it means na I am not welcome in Quezon City anymore. I am an unwelcomed person,” na ang tinutukoy ay si outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman.
“To be fair, ayoko naman magmukhang nagmamalaki pa ako kahit sabihin ko na hindi ako taga-Quezon City because I’m from Mandaluyong. I have a condo in Mandaluyong and in Taguig pero I have friends in Quezon City. I have clients in Quezon City. So will it affect me? I think so,” ani Darryl.
“But Nanay Ai-Ai, si Ma’am Ai-Ai delas Alas po is a resident of Quezon City. I think she will be surprised. Nasa Amerika siya ngayon.”
Ipinaliwanag naman ni Darryl ang tungkol sa paggawa nila ng satire.
“Sa palagay ko, ang ikina-offend na matulis, sa palagay ko bukod sa logo, may iba pa at yun ay hindi ko sila masisisi kasi triangle, e, kaya matulis ang logo ng Quezon City. Pero when you do a spoof, when you do a satire, you don’t completely erase the one that you’re spoofing."
“Kapag halimbawa, ikaw ay gumagawa ng mga spoof o satire, hindi mo talaga completely one hundred percent na inilalayo ang subject mo para makuha ng tao, ma-gets ng tao."
“So ngayon, hindi ko alam kung ano ang kahindik-hindik o hindi magandang matatanggap ng aming content mula sa mga taga-Quezon City. Sabagay, mamaya kapag naglabas kami ng official statement, ang aming 27% of viewers ay from Quezon City and the traction of the page is very much welcome in Quezon City.
“My presence is actually felt not physically in Quezon City but in social media. I don’t think they can declare my social media presence and my relevance non grata in Quezon City.”
“So with that, I completely accept the repercussions of what I did. But then again, they have the power to do that and I also have the power to do things my way, so no hard feelings.”
Para sa direktor, ang deklarasyon ng 'persona non grata' ay "immature," "elementary," at "rudimentary."
“This Ligaya Delmonte is part of the colorful tactics in Philippine politics. I find it very immature. I find it very elementary. I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally. Sa palagay ko, mas marami silang mga ginawang hindi katanggap-tanggap para gawing unwelcome. Pero just like what I’ve said, lahat tayo ay may kalayaan. Kung ‘yan ang kanilang tingin o pakiwari o palagay, ako po ay walang magagawa duon.”
“Isa lamang po itong pagpapatunay, pagpapatotoo, at pagpapahalaga na ang aking mga video, pelikula man o maigsing video na aming ina-upload sa Vincentiments ay may relevance, makatotohanan, tinatanggap ng madla. At ang kanila pong pag-aray, dito sa aming – sabi nila ay pagyurak daw sa matulis na bagay na ito na tatsulok na ito, iyan po ay kanilang kalayaan. At ang aking pagkakaroon ng follow-up video ay nasasaklaw din sa kalayaan ko bilang alagad ng sining at isang content creator.”
“As long as people are feeling the good vibes and the positivity of each contents, naniniwala ako na welcome ako sa kahit na sino, kahit taga-Quezon City pa ‘yan," dagdag pa ng direktor.