TAYABAS CITY, Quezon — Isang walang buhay na sanggol ang natagpuang palutang-lutang sa Alitao River sa sitio Ibaba, Barangay Wakas noong Martes ng umaga, Hunyo 7.
Ang sanggol, mga pito hanggang walong buwang gulang, ay natagpuan bandang 10:30 ng umaga ng isang grupo ng mga kabataan na nasa ilog na nanghuhuli ng mga isda.
Pagkatapos ay nagsumbong ang mga kabataan kay Ronaldo Fabie, hepe ng barangay tanod ng Brgy Wakas, na agad namang nagsumbong sa Tayabas City Philippine National Police.
Ang mga pulis kasama ang mga miyembro ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ay rumesponde at kinuha ang bangkay ng sanggol at nakipag-ugnayan kay City Health Office head Dr. Hermando Marquez.
Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon si Police Executive Master Sergeant Elmer Manguiat ng Tayabas City Police para matunton ang ina ng sanggol at masampahan ng kaukulang reklamong kriminal.