Simula sa Hunyo 9, magiging₱10 na ang minimum na pasahe sa public utility jeepney (PUJ) sa Metro Manila, Region 3 (Central Luzon) at Region 4 (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon).
Ito ay nang aprubahan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra ang ₱1 na pansamantalang dagdag-pasahe nitong Hunyo 8.
Ang nasabing mininum na pasahe ay sumasaklaw lamang sa unang apat na kilometro, ayon sa kautusan ni Delgra.
Matatandaang naghain ng petisyon ang mga transport group para sa taas-pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kabilang sa mga nagpetisyon ang grupong 1United Transport Koalisyon, Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association Nationwide o Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO).