Masaya ang 66 anyos na aktor na si Rez Cortez na sa tagal na niya sa industriya ng showbiz, ngayon lamang siya bibida sa sarili niyang pelikula.

Si Rez ang gaganap na 'Mang Kanor' sa pelikulang handog ng bagong streaming app na AQ Prime Stream, na inilunsad noong Sabado, Hunyo 4 June 4, sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Ang karakter umano ni Mang Kanor ay inspired sa isang lolong nag-viral noong 2018 dahil sa kaniyang online scandals. Ngunit hindi naman daw lahat ay tungkol dito, o base sa true to life story ng naturang personalidad.

“Mang Kanor is a very controversial character noong mga 2018. And kahit na nga ganoon si Mang Kanor, pero siya rin ay isang tao na nagsisi sa kaniyang mga ginawa," ani Rez na sanay na sanay na sa kontrabida roles.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sana kapulutan ng aral ng kabataang babae na huwag basta-basta magtitiwala sa isang katulad ni Mang Kanor,” dagdag pa ni Rez.

"Parang yung pangalang Mang Kanor ay naging generic. Wala namang particular person na pinatutungkulan dito sa movie na ginawa namin.Yung Mang Kanor dito sa movie, nademanda pero nakulong siya on a different case. Pero hindi siya nakulong dahil doon sa mga nag-viral na mga sex video. Dahil hindi naman napatunayan na si Mang Kanor ang nag-upload noon.

“Dahil nawala ang cellphone, at may ibang nag-upload kaya nag-viral yung mga video."

At dahil nga umiinog sa sex video ang kuwento, game na game pa rin si Rez sumabak sa maiinit na eksena rito.