Nagbabalik ang programa ng lokal na pamahalaan ng Navotas City para sa mga senior citizens matapos ang mahigit dalawang taon.

Libreng sine para sa mga citizen residents na residente ng lungsod ang handog ng local government unit para sa mga lolo’t lola na nais pa rin mag-enjoy kasama ang mga mahal sa buhay kasunod na rin ng mas pinaluwag na Covid-19 restrictions.

Sa anunsyo ng Public Information Office (PIO) nitong Lunes, Hunyo 6, bukas na muli ang mga sinehan sa Fisher Mall Malabon para sa programa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan mula Navotas City Public Information Office (PIO)

Kasama ang mga pangulo ng Office for Senior Citizens Affairs-Navotas, nakiisa ang magkapatid na sina Navotas Mayor Toby Tiangco at Navotas District Rep. John Rey Tiangco sa pagbubukas ng programa nitong Lunes, Hunyo 8.

Larawan mula Navotas City Public Information Office (PIO)

Tanging senior citizen ID lang at booklet ang ipapakita sa ticket booth at libre nang makakapanuod ng pelikula tuwing Lunes at Martes, mula ika-10 ng umaga hanggang ika-5 ng gabi.

Samantala, bagama'T binawi na ang one-seat-apart arrangement sa mga movie houses sa ilalim ng Alert Level 1 business guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI), hihingin pa rin ang vaccination cards sa sinumang papasok sa mga sinehan.