Naniniwala si Health Secretary Francisco T. Duque III na hindi naging patas sa kanya ang Senado sa pagsisiyasat nito sa umano'y maanomalyang pagbili ng mga medical supplies para sa Covid-19.

Naiulat na inilipat ni Duque ang pondo ng DOH sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa pagbili ng mga medical supplies para sa Covid-19.

“Yes of me, yes, and to all those who have been implicated, but only have in their heart to save lives, to protect lives of our healthcare workers,”aniya nang tanungin sa panayam ng ANC, Lunes, Hunyo 6, kung sa tingin niya ay hindi patas sa kanya ang Senado, na nag-imbestiga sa umano'y maanomalyang pagbili ng Department of Health (DOH).

Sa pagsasabing wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya, sinabi ng papalabas na kalihim ng kalusugan na "wala siyang gagawing iba." Nabanggit niya na mas maraming buhay ang maaaring nawala kung hindi niya ginawa ang hakbang.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“This is a whole-of-government approach. I trusted the institution, I did not trust personalities,” ani Duque.

“The PS-DBM is an attached agency of [the] DBM,” dagdag niya.

Sinabi ni Duque na walang ebidensya ng maling gawain sa nasabing paglilipat ng pondo.

“We gave them all the documents, unfortunately, they did not include documents that countered their initial findings,” anang Health secretary sa Senado.

Noong Agosto 2021, binuksan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon kung paano pinangangasiwaan ng DOH ang P67 bilyon nitong Covid-19 pandemic response fund noong 2020. Bago ito, nakita ng Commission on Audit o COA ang mga pagkukulang sa kung paano pinamahalaan ng DOH ang P67.32 bilyong pondo nito para labanan ang pandemya.

Inirekomenda kamakailan ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Duque at iba pang opisyal ng gobyerno na nauugnay sa umano'y maanomalyang pagbili.

Jel Santos