Pagbabanta sa buhay ang laman ng liham na may kalakip na apat na bala ng baril ang ipinaabot sa barangay hall na pinamumunuan ng aktres na si Angelika dela Cruz.

Ito ang ibinahagi ni Angelika na kasalukuyang nagsisilbing kapitana ng Brgy. Longos sa lungsod ng Malabon.

“Napakadumi po talaga ng politika sa ating bansa... yan po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may 4 daw na susunod,” mababasa sa Facebook post ni Angelika, Martes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan ni Angelika dela Cruz/via Facebook

Ito rin ang hinala ni Angelika sa kamakailan umanong umiikot na mga hindi kilalang indibidwal sa bahay nilang magkakapatid.

“Grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin,” saad na lang ni Angelika.

Noon lamang Mayo 29, isang kapitan mula sa Malabon ang pinagbabaril ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem.

Ang biktima ay nakilalang si Kapitan Felimon Villanueva, 68, ng Barangay Tonsuya.

Samantala, sa parehong Facebook post ay bumuhos ang mensahe ng pag-iingat at dasal para sa kaligtasan ng aktres.