BATANGAS CITY, Batangas — Ibinunyag ng Provincial Inter-Agency Task Force on Arsenic-Taal Volcano Protected Landscape (TVPL) na ang mga balon ng tubig sa walong bayan at isang lungsod sa lalawigan ay nagpositibo sa arsenic gaya ng iniulat sa pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa lungsod kamakailan.

Sa kanyang ulat, sinabi ng hepe ng Batangas Medical Center Toxicology Center at pinuno din ng Provincial IATF na si Dr. Rhodora Reyes na ang mga bayan na nagpositibo sa arsenic ay ang Laurel, Balete, San Nicolas, Mataas ng Kahoy, Alitagtag, Sta. Teresita, Lemery, Taal at Tanauan City.

Iniulat ng Batangas Capitol Public Information Office na dati nang napansin ang pagkakaroon ng arsenic sa mga balon ng tubig matapos ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12, 2020. Naapektuhan ng pagsabog ang nasabing siyam na bayan.

Ipinaliwanag ni Dr. Reyes sa pulong na ang arsenic ay isang kemikal na carcinogenic o maaaring magdulot ng kanser at masamang epekto sa balat ng tao at sa mga hindi pa isinisilang na sanggol. Idinagdag niya na maaari itong makaapekto sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig na kontaminado ng arsenic.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa Wikipedia, ang arsenic ay nakukuha sa maraming mineral, kadalasang kasama ng sulfur at metal, ngunit bilang isang purong elemental na kristal. Ang arsenic ay isang metalloid.

Mas mataas ang level ng arsenic sa mga nasabing bayan kaysa sa standard o average level na 10 parts per billion (PBB), paliwanag ni Reyes.

Nakaalerto pa rin ang task force at nagsasagawa ng monitoring sa antas ng arsenic sa mga kalapit na bayan ng mga apektadong lugar.

Ang Batangas-PDRRMO ay naglaan ng humigit-kumulang P3.5 milyon na kinuha mula sa trust fund ng opisina bilang suporta sa patuloy na water testing.

Danny Estacio