Tiniyak ng press secretary ni Pangulong Duterte sa publiko nitong Martes, Hunyo 7, na ang gobyerno ay naglatag na ng mga mekanismo na tutugon sa inflation rate na lumago hanggang 5.4 percent noong nakaraang buwan kasabay ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Binigyang-diin ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang outgoing Duterte administration ay nakapagbigay na ng fuel subsidy program para sa mga driver at operator, isang service contracting program para sa mga commuters at drivers, at libreng sakay sa MRT 3 hanggang sa matapos ang termino sa Hunyo 30.

“Patuloy natin minamatyagan ang presyo ng pangunahing bilihin o basic goods. Alam naman natin ang pagtaas ng inflation rate ay dulot ng pagtaas ng presyo ng langis kaya naman nagbigay tayo ng fuel subsidy program para sa mga tsuper at operator,” aniya sa naganap na media briefing.

Ang service contracting program, sa partikular, ay mapakikinabangan hindi lamang ng mga commuter kundi pati na rin ng mga driver dahil babayaran sila ayon sa bilang ng mga biyahe na kanilang ginawa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ipinaliwanag din ni Andanar na inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P33-increase sa daily minimum wage. Magkakabisa ang salary hike na ito sa Metro Manila sa Hunyo 4. Ang iba pang regional wage boards ay nag-utos din ng pagtaas sa minimum wage rates.

Makakatulong ito sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo bilang resulta ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Iginiit din ni Andanar na hindi sususpindihin ni Pangulong Duterte ang excise tax sa langis sa kabila ng panawagan ng maraming grupo.

Aniya, ang usaping ito ay mas mabuting harapin ng papasok na administrasyong Marcos.

“Hindi naman po nagbabago ang posisyon ng Pangulo noong Marso sa ngayon at sang-ayon sa economic team na h’wag suspendihin ang excise fuel tax dahil ang kikitain dito ay nai-budget na sa sweldo ng nga guro, sa Build Build Build, at iba pang program ng ating pamahalaan,” paliwanag niya.

“Ngunit hahayaan natin sa susunod na administrasyon ang desisyon tungkol panawagang ito,” dagdag ni Andanar.

Nanawagan ang iba't ibang grupo para sa pagsuspinde ng excise fuel tax dahil sa mataas na presyo ng gasolina dahil sa maraming mga kadahilanan, kabilang ang Russia-Ukraine conflict.

Ang mga presyo ng regular na unleaded na gasolina ay nasa pagitan ng P74 hanggang P80 kada litro sa loob ng ilang linggo. Halos pareho ang presyo ng diesel.

Inaasahang tataas ng hanggang P100 kada litro ang presyo ng mga regular na unleaded, premium, at diesel.

Ngunit inalis na ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na suspindihin ang excise taxes sa gasolina dahil ang pondo ay gagamitin sa mga proyekto ng gobyerno. May iba pang paraan aniya para matugunan ang pagtaas ng halaga ng gasolina.

Raymund Antonio