Nasa 99.95825 percent ang average accuracy rate sa lahat ng na-audit na posisyon mula pangulo hanggang mayor, ayon sa Random Manual Audit (RMA) ng Commission on Elections’ (Comelec) ng mga boto noong Mayo 2022 na botohan.
Sa advisory nito, ang running accuracy rate sa mga na-audit na posisyon simula 4 p.m. ng Hunyo 7 ay ang mga sumusunod:
- President: 99.9774 percent
- Vice President: 99:9744 percent
- Senator: 99.9821 percent
- Party List: 99.8664 percent
- Member, House of Representatives: 99.9790 percent
- Mayor: 99.9702 percent
Nabanggit ng poll body na ang running accuracy rate ay batay sa 503 ng 757 o 66.4465 percent ng kabuuang sample clustered precincts.
“The computation of the preliminary accuracy rate is based on the marks and votes casted per position, as encoded by the Philippine Statistics Authority or PSA.”
Samantala, sinabi ng Comelec na ang average accuracy rate ay kinukuwenta gamit ang percentage rate per position bilang addends, pagkatapos ay hinati sa anim.
Jel Santos