Kinapanayam ni Toni Gonzaga ang Kapuso comedian na si Rufa Mae Quinto sa kaniyang award-winning talk show vlog na 'Toni Talks' na umere nitong Linggo, Hunyo 5.

"I enjoyed this catch up with Peachy — she's still the same bubbly, lively and fun Rufa Mae we've all missed!" saad ni Toni sa kaniyang vlog.

Kinumusta ni Toni ang pagiging isang ina at asawa ni Rufa gayundin ang paninirahan nito sa Amerika hanggang sa maabutan ng lockdown.

Habang sinasagot ni Rufa Mae ang tanong ni Toni kung ano ang mga hindi niya nami-miss sa showbiz, naisingit ni Rufa Mae na parang bet niya na ring tumakbo bilang senador.

"Hindi biro lang," natatawang sey ni Rufa.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Pero maya-maya ay nagpaliwanag na siya.

"Pero alam mo 'yon, kung talagang walang-wala nang maaasahan kasi parang paubos na ang sino ba talaga ang okay," wika ni Rufa.

"So hindi mo nakikita ang sarili mo sa politics?"

"Hindi ko sinasabing hindi eh," tugon ni Rufa Mae. "Pero kung walang-wala na (napahagalpak sa tawa), hindi, kung walang-wala nang tatakbo at maaasahan, siyempre naman, mahal ko rin naman ang tao."

"Saan ka tatakbo, saang lugar?" tanong pa ni Toni.

"Sa Senate nga eh," natatawang biro pa ni Rufa Mae. "Todo na 'to!"

Sunod na tanong ni Toni, kung sakaling tatakbo siyang senador, anong batas daw ang una niyang ipapanukala?

"Oo nga no, hihihi, may gano'n pala… hindi muna pala," natatawang sabi ni Rufa Mae.

"Anong batas… pupunta ba sa Batasan?" Magkakaroon ako ng batas na Gatasan, haha. Lahat ng gatas ipamimigay ko. Free milk for everyone! More, more, buko juice and honey, joke!"

Sa ngayon ay nakapirma na sa Sparkle GMA Artist Center si Rufa Mae bilang nagbabalik-Kapuso.

Panoorin ang naturang vlog sa Toni Talks: