Nagpahayag na rin ng pagsuporta kay blogger/journalist Sass Sasot ang retiradong UP Political Science professor na si Prof. Clarita Carlos, na naging maingay ang pangalan simula nang maupong panelista sa SMNI Debates noong kasagsagan ng pangangampanya para sa halalan.

"I stand with SASS vs the BIGOTRY of a religious group… a sad indicator of the despicable cancel culture infesting our society…" ayon sa Facebook post ng propesora noong Linggo, Hunyo 5.

Screengrab mula sa FB/Prof. Clarita Carlos

Sa susunod na FB post, tila nanawagan ang propesora na sana ay tigilan at labanan ang cancel culture na mas lalong umigting dahil sa politika.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

"The DESPICABLE cancel culture is eroding and killing the solidarity so critical for societies to flourish…"

Screengrab mula sa FB/Prof. Clarita Carlos

"Let us LOBOTOMIZE the brains of those engaged in the OTHERING that the despicable cancel culture has bred…"

"We should not allow the despicable cancel culture to be the CANCER that will insidiously kill our society…"

"Decency, kindness, compassion, respect… we all learned in Kindergarten… all cancelled as adults…"

Habang nagtatalumpati si Sasot bilang guest speaker sa isang graduation ceremony sa isang paaralan, bigla na lamang siyang pinatayan ng ilaw at sound system. Bukod doon, pinababa rin siya sa entablado at pinaalis sa venue.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/sass-sasot-pinatayan-ng-ilaw-sound-system-habang-nagtatalumpati-sa-isang-graduation-ceremony/">https://balita.net.ph/2022/06/04/sass-sasot-pinatayan-ng-ilaw-sound-system-habang-nagtatalumpati-sa-isang-graduation-ceremony/

Nagbigay naman ng pahayag dito ang pamunuan ng paaralan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/presidente-ng-paaralang-nag-imbita-kay-sass-sasot-para-sa-graduation-ceremony-may-opisyal-na-pahayag/">https://balita.net.ph/2022/06/04/presidente-ng-paaralang-nag-imbita-kay-sass-sasot-para-sa-graduation-ceremony-may-opisyal-na-pahayag/

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng religious group upang ipaliwanag ang kanilang panig. Sana rin daw ay nirespeto ng pamunuan ng paaralan ang kanilang mga napag-usapan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/cog-dasma-sumagot-na-sa-pagpapalayas-kay-sass-we-cannot-allow-our-pulpit-to-be-desecrated/">https://balita.net.ph/2022/06/04/cog-dasma-sumagot-na-sa-pagpapalayas-kay-sass-we-cannot-allow-our-pulpit-to-be-desecrated/

Matatandaang sinabi na rin ni Prof. Carlos na maging siya ay nakaranas na umano ng cancel culture sa mismong departamento na kaniyang kinabibilangan sa UP, bagama't hindi na niya idinetalye kung sino-sino ang mga ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/19/prof-clarita-carlos-kina-cancel-ng-mismong-mga-katrabaho-bring-it-on/">https://balita.net.ph/2022/05/19/prof-clarita-carlos-kina-cancel-ng-mismong-mga-katrabaho-bring-it-on/

Kinondena na rin ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang ginawa kay Sasot.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/05/what-a-shame-cavite-gov-remulla-nag-react-sa-ginawa-ng-cog-dasma-kay-sass-sasot/">https://balita.net.ph/2022/06/05/what-a-shame-cavite-gov-remulla-nag-react-sa-ginawa-ng-cog-dasma-kay-sass-sasot/

Naglabas na rin ng kaniyang pahayag ang advocate ng SOGIE Bill na si Representative of 1st District of Bataan na si Geraldine Roman.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/06/rep-geraldine-roman-pumanig-kay-sass-sasot-nanawagang-ipasa-na-ang-sogie-bill/">https://balita.net.ph/2022/06/06/rep-geraldine-roman-pumanig-kay-sass-sasot-nanawagang-ipasa-na-ang-sogie-bill/