Nakapagsumite na ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang political party ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. sa Commission on Elections (Comelec).
Mismong ang legal officer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si Rico Alday ang personal na naghain ng 400-pahinang SOCE ng PFP sa Campaign Finance Office ng Comelec, sa Intramuros, Maynila nitong Lunes.
Nauna nang idineklara ng PFP na aabot sa P272 milyon ang kanilang nagastos para sa presidential campaign sa nakalipas na eleksyon.
Mas mababa ito kumpara sa maximum expenditure na P337 milyon na pinapayagan ng batas para sa isang national political party.
Paliwanag ng abogado, ang pinakamalaking bahagi ng nagastos ng PFP ay para sa political ads sa telebisyon, habang ang ibang gastos ay sa campaign rally expenses.