Ikinalugod ng Palasyo ang bagong ranggo ng Pilipinas sa pinakabagong Covid-19 Recovery Index, isang pandaigdigang pagtatasa ng Covid-19 recovery ng Tokyo-based news magazine na Nikkei Asia.
Batay sa ulat nitong Hunyo 3, ang bansa ay pumuwesto sa ika-33 sa Covid-19 Recovery ranking, isang malaking pagtalon mula sa ika-57 na puwesto noong Nobyembre 2021 at huling o ika-121 na puwesto noong Setyembre noong nakaraang taon.
"The Palace welcomes the latest Nikkei COVID-19 Recovery Index showing the Philippines climbing to 33rd spot in May 2022 from 2021’s 57th spot," ani acting presidential spokesperson Martin Andanar sa isang press statement.
Dagdag pa niya na ang ulat ng Nikkei Asia ay muling nagpapatibay sa epektibong muling pagka-calibrate ng mga estratehiya ng Pilipinas sa pagtugon sa pandemya ng Covid-19.
Binanggit ni Andanar ang mga hakbang tulad ng paglipat sa Alert Level System at pagbubukas ng mga hangganan ng bansa habang mahigpit na sumusunod sa pinakamababang pamantayan sa kalusugan ng publiko, at pagpapalakas ng mga pagsusumikap sa pagbabakuna sa Covid-19.
Umaasa naman si Andanar na magpapatuloy ang trend na ito dahil sa pagpapanatili ng restrictions lalo na dahil sa banta ng bagong variant.