Hindi man nanalo sa pinakahuling edisyon ng Britain’s Got Talent, muli namang naangkin ni Loren Allred ang nararapat na spotlight matapos unang makila sa likod ng global hit “Never Enough.”

Nagtapos ang BGT 2022 nitong Linggo, Hunyo 6, kung saan isa sa mga pumasok sa Finals si Loren.

Bago nito, pinabilib ng singer ang apat na judges sa kanyang semifinals act kung saan minani lang nito ang kantang “You Say” ni Lauren Daigle.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Para sa finale, isang original song naman ang binuhos ni Loren sa awiting “Last Thing I’ll Ever Need” na muling umani ng apat na standing ovations mula sa judges.

Sa kabila nito, pang-siyam lang si Loren sa overall public votes na ikinagulat din ni Amanda Holden.

Ang golden buzzer ni Simon Cowell at komedyanteng si Alex Blake ang itinanghal na BGT 2022 grand champion.

Hindi man nagwagi sa kompetisyon, inaabangan na ngayon ng fans ang magiging karera ni Loren sa music scene.

Noong Abril nang maging golden buzzer ni Amanda si Loren kasunod ng kanyang classic “Never Enough” performance.

Basahin: ‘This is your moment’: ‘Never Enough’ singer Loren Allred, nasungkit ang golden buzzer sa BGT – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid