Isang kanta ang nakatakdang ibahagi ni Moira Dela Torre kasunod ng hiwalayan nila ni Jason Hernandez.

Kilala ang singer-songwriter bilang most-streamed Filipino artist dahil na rin sa kanyang buhay na kwento sa mga kantang “hugot” kung tawagin sa local pop culture.

Si Moira lang naman ang nagsulat at kumanta ng mga hit songs na “Malaya,” “Paubaya,” “Take Her to the Moon For Me” at ang kilalang trilogy na “Patawad, Paalam,” “Paalam,” at “Patawad,” bukod sa iba pa.

Kasunod ng anunsyo ng hiwalayan nina Moira at Jason, ilang fans ang nagbalik sa mga kantang tumatak na sa maraming tagapakinig ng singer-songwriter.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Basahin: ‘Paubaya’ ni Moira, muling binalikan ng mga netizen – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang panayam sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, ibinahagi ni Moira na hindi niya inakalang ang “Paubaya” ay magiging kuwento niya rin.

“Sa lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging ‘yun yung initial reaction. I always say, ‘What did I do wrong?’ especially now, ‘Saan ba ‘ko nagkulang?’. Dati akala ko ‘yung ‘Paubaya’ kanta ko lang. Pero tinatanong naman natin lagi sa sarili natin—‘Saan tayo nagkamali, nagkulang?’. Hindi lang sa relationships, sa career, kung anuman. But at the same time, I also know na God makes all thing beautiful in his time," ani Moira nang tanungin kung sinisisi niya ang sarili sa kinahantungan ng relasyon nila ni Jason.

Basahin: Moira, aminadong sinisisi rin ang sarili sa hiwalayan nila ni Jason: ‘Saan ba ‘ko nagkulang?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa pinagdaraanang yugto sa buhay ni Moira, ang tanong tuloy ng karamihan ngayon—may bagong kanta bang aabangan mula sa singer-songwriter? Bagay na hindi rin napigilang maitanong ni Momshie Melai.

“Meron ka bang naisip na music Moi?” nauutal na sambit ni Melai matapos ang mga pag-amin ni Moira.

“Hindi kasi hindi ko kayang sabihin, sa sobra nating pagka-adik sa songs ni Moira…meron ka bang [kanta] during this moment?” dagdag ng host.

Pag-amin ng singer-songwriter, ang kanyang Mama Regine ang unang nakarinig ng bagong kanta. “Si Mama Reg po ang unang nakarinig sa dressing room.”

“Hindi niyo kakayanin. I’m already telling you. Hindi niyo kakayanin,” paglalarawan naman ni Songbird sa bagong kanta ni Moira.

“Sasabihin ba na naman natin, ‘Inaano ka ba naming, Moi?’” hirit naman ni Momshie Jolens.

Gayunpaman, hindi nabanggit ng singer sa panayam kung kailan ito maririnig ng lahat.

Ang sigurado, muling paiiyakin ni Moira ang milyun-milyon niyang tagapakinig!