Kahit wala pang iniuutos na forced evacuation sa mga lugar sa palibot ng Bulkang Bulusan, nag-umpisa nang lumikas ng mga residente na naapektuhan ng ashfall dulot ng phreatic eruption nitong Linggo ng umaga.

Nitong Linggo ng gabi, nasa 52 pamilya pa lamang ang inilikas mula sa Brgy. Puting Sapa sa Juban, Sorsogon at pansamantala muna silang mananatili sa Juban evacuation center hangga't hindi pa kumakalma ang bulkan.

Sa pahayag naman ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Juban, inuuna muna nilang ilikas ang mga bata at matatanda dahil na rin sa mapanganib na abong ibinuga ng bulkan.

"Halos ongoing pa ang pagdating ng tao dahil hindi talaga kaya 'yung amoy ng asupre doon sa kanilang lugar," paliwanag ni Juban MDRRMO chief Arvee Lodronio nang kapanayamin sa telebisyon.

Binanggit nito namalaking problema ng Brgy. Puting Sapa ang mapagkukunan ng tubig na maiinom dahil naapektuhan ng pagputok ng bulkan ang bukal na pinagkukunan ngtubig.

Probinsya

Bulalakaw, bumagsak malapit sa Bulkang Mayon!

Kaugnay nito, inirekomenda na rin ang suspensyon ng klase sa mga lugar na naapektuhan ng pag-aalburoto ng vulkan.