Pinatawan na ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 days suspension ang lisensya ng may-ari ng isang sports utility vehicle (SUV) na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City nitong Linggo ng hapon.

Sa show cause order ni LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) officer-in-charge Renante Melitante nitong Hunyo 6, bukod sa may-ari ng sasakyan, inatasan din ang driver ng nasabing SUV na sumagasa kay Christian Floralde na sumipot sa isasagawang imbestigasyon sa Martes, Hunyo 7 kaugnay ng insidente.

Gayunman, tumatanggi pa rin ang LTO at Mandaluyong City Police Station na isapubliko ang pagkakakilanlan ng may-ari ng SUV sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Bukod dito, pinagpapaliwanag din ang nakatalagang driver ng SUV kung bakit hindi siya dapat kasuhan at i-suspindi o ikansela  ang driver's license nito kaugnay ng insidente.

Matatandaang nagmamando sa daloy ng trapiko si Floralde nang sagasaan ito ng SUV sa panulukan ng Julia Vargas Avenue at St. Francis Street, Barangay Wack-Wack, Mandaluyong nitong Hunyo 5.

Metro

DSWD, magbibigay ng ₱15k ayuda sa pamilya ng nasawing babae sa payout

Huling naiulat na under observation pa sa ospital ang biktima.

Sa Facebook post naman ni Senator-elect JV Ejercito, nag-alok ito ng P50,000 pabuya para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng driver ng SUV.

Reaksyon ito ni Ejercito nang mapanood ang video ng insidente.