Usap-usapan ang tsikang hiwalay na raw ang isa sa mga matatagumpay na loveteam ng ABS-CBN at real celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o 'KathNiel' dahil sa isang kumakalat na blind item hinggil sa latest celebrity couple na hiwalay na raw.

Ayon sa blind item, isang tambalan na magkarelasyon umano in real life ang nagpasyang maghiwalay na raw. Nagkataon umanong ang mga inisyal nito ay nagpapahiwatig na sila ang nasasangkot. Kaya naman, 'hindi na raw matahimik' ang mga tagahanga ng KathNiel na malaman kung trulalu at walang halong eklavu ito.

Ngunit kaagad naman itong pinabulaanan ni MJ Felipe, showbiz reporter ng ABS-CBN. Dalawang mapagkakatiwalaang source umano na malapit sa dalawa ang nagkumpirmang walang katotohanan ang mga tsikang ito.

"Spoke to two very reliable sources close to Kathryn & Daniel," ani MJ sa kaniyang tweet nitong umaga ng Hunyo 6.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

"Netizens have been mentioning the couple after a blind item, coincidentally with their initials, came out that a certain loveteam have decided to call it quits."

"Both sources vehemently denied the rumors."

https://twitter.com/mjfelipe/status/1533624907028123648

Samantala, makikita naman sa Instagram story ni DJ ang screengrab ng litrato ni Kathryn, na sa kasalukuyan ay masama ang pakiramdam.

Kathryn Bernardo (Screengrab mula sa IG/Daniel Padilla)

Ibinahagi ni Kathryn sa kaniyang IG story naman na nagising siyang masama ang pakiramdam, may lagnat at masakit na lalamunan.

"I've been feeling under the weather since yesterday. This morning, I woke up with a fever and a severe sore throat," update ni Kathryn.

Screengrab mula sa IG/Kathryn Bernardo

Sa ngayon ay umeere na sa Kapamilya Channel at iba pang mga partner platforms nito sa free TV at digital world ang kanilang teleseryeng '2 Good 2 Be True' matapos ang ilang taong pamamahinga sa paggawa ng serye.

Kamakailan lamang ay nagbakasyon pa ang mag-jowa sa Thailand kasama ang kanilang mga kaibigan para sa pagdiriwang ng kanilang ika-10 anibersaryo bilang magkasintahan.

Samantala, wala pang pahayag ang mismong KathNiel tungkol sa piang-usapang blind item.