Huli na nang mapagtanto ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na may hindi dapat siyang nasabi sa isang panayam tungkol sa matagal nang kaibigang Kapuso actress din na si Max Collins, tungkol sa estado ng relasyon nito sa asawang si Kapuso actor Pancho Magno.

Hindi intensiyonal na naibuking ni Kylie sa live broadcast ng kaniyang virtual interview para sa isang online entertainment site ang tungkol dito; naroon siya para i-promote ang kaniyang teleseryeng 'Bolera' sa GMA Network.

“First friend talaga in showbiz na friend ko pa rin hanggang ngayon — si Max Collins. We were together in ‘The Good Daughter,’ dun pa lang naging friends na kami, hanggang ngayon. Parehas kaming ikinasal, parehas naghiwalay, parehas kaming nanganak,” natatawang sagot ni Kylie.

Napagtanto naman ng host na hindi pa kumpirmado ang tungkol sa isyung hiwalay na ang mag-asawang Max at Pancho.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Matatandaang noong 2021 ay una nang umugong ang mga tsikang on the rocks na umano ang relasyon ng Kapuso couple, bagay na pinabulaanan naman ni Max, sa panayam kay Nelson Canlas. Nag-ugat ito sa mga litrato sa birthday party ng anak nila.

“To be honest that got a lot of controversies ‘yung pictures ko, kasi my friends surprised me with such a cute party for Skye and it was really super fun,” aniya.

2017 nang ikasal sina Max at Pancho.

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon sina Max at Pancho tungkol sa di sinasadyang naibuking umano ni Kylie.