Kasado na ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Hunyo 7.

Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, magtataas ito ng ₱6.55 sa presyo ng kada litro ng diesel, ₱5.45 sa presyo ng kerosene at ₱2.70 naman ang idadagdag sa presyo ng gasolina.

Kabilang din sa magtaas ng presyo ang Seaoil, Caltex at Cleanfuel.

Ito ay resulta ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado at epekto ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kaugnay nito, binatikos naman ng mga jeepney driver at operator ang naturang panibagong taas-presyo sa petrolyo dahil wala na umano silang kikitain sa maghapong pamamasada.

'Trabahong tamad!' Sen. Lacson, tinalakan pagpapa-subpoena ng NBI sa misis ni Sen. Bato

Maliit din anila ang ibinibigay na subsidiya ng pamahalaan sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.