Dahil malapit nang matapos ang kanilang termino, sinimulan na ng apat na senador na mag-empake sa kani-kanilangopisina.

Kabilang sa mga ito sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Lacson.

Huling araw na nila sa puwesto sa Hunyo 30.

Sa kabila nito, sinabi ng apat na senador na malaki pa rin ang kanilang pasasalamat dahil nabigyansila ng pagkakataong magsilbi sa bayan ng mahigit sa isang dekada.

Bukod sa apat, matatapos din ang termino ninaRichard Gordon, Leila de Lima, Francis Pangilinan at Manny Pacquiao sa Hunyo 30 na huling araw din ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.