Lumikas na ang aabot sa 216 residente matapos maapektuhan ng pagputok ng Bulusang Volcano nitong Linggo ng umaga.
Ito ang kinumpirma ni Sorsogon Governor Francis "Chiz" Escudero sa isang panayam sa telebisyon nitong Lunes, Hunyo 6.
Karamihan aniya sa mga evacuee ay taga-Barangay Puting Sapa sa Juban.
Gayunman, ipinaliwanag ng gobernador na hindi na kailangangang mailikas pa ang mga residente sa ibang lugar na nakaranas ng ashfall, kabilang na ang Irosin.
Pinaplano na rin nilang pabalikin ang mga ito sa kani-kanilang lugar kung titigil sa pag-aalburoto ang bulkan sa loob ng susunod na tatlong araw.
Aniya, batay ito sa kanilang track record at karanasan, partikular na ang nakalipas na pagputok ng bulkan noong 2017.
"Gusto na rin namang umuwi ng aming mga kababayan para magsimula na rin silang magkumpuni ng kanilang mga tahanan.Nag-face-to-face [classes] na kami dito, so apektado rin iyong mga bata. Of the 216 individuals that we evacuated,majorityof them are children under the age of 18," anito.
Nauna nang isinapubliko ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na suspendido na ang pasok sa tatlong paaralangPuting Sapa Elementary School, Sangkayon Elementary School at Añog Elementary School sa Juban.
Muling nanawagan ang mga awtoridad na manatili na muna sa bahay ang mga residente dahil sa panganib na dala ng ashfall.
“Dahil tumahimik si Bulusan, we’re hoping that in a few days, a lot of the evacuated populations can go back home and resume their normal lives, but remain vigilant against any escalation of the volcano,” pahayag naman ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal.