Nasa panig umano ni blogger/journalist Sass Sasot at LGBTQIA+ community si Cavite Governor Jonvic Remulla matapos ang insidente ng pagpatay ng ilaw at sound system, gayundin ang pagpapaalis sa venue ng graduation ceremony ng Senior High School students ng Southern Philippines Institute of Science and Technology sa Imus, Cavite, noong Hunyo 3.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/sass-sasot-pinatayan-ng-ilaw-sound-system-habang-nagtatalumpati-sa-isang-graduation-ceremony/">https://balita.net.ph/2022/06/04/sass-sasot-pinatayan-ng-ilaw-sound-system-habang-nagtatalumpati-sa-isang-graduation-ceremony/

Ang naturang graduation ceremony ay ginanap sa simbahan ng Church of God Dasmariñas. Naglabas ng opisyal na pahayag ang COG Dasma sa pamamagitan ni Senior Pastor Bishop Anthony V. Velasco, DD. h.c., Hunyo 4.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/cog-dasma-sumagot-na-sa-pagpapalayas-kay-sass-we-cannot-allow-our-pulpit-to-be-desecrated/">https://balita.net.ph/2022/06/04/cog-dasma-sumagot-na-sa-pagpapalayas-kay-sass-we-cannot-allow-our-pulpit-to-be-desecrated/

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

"We, Church of God World Missions, Philippines-Dasmariñas, being a religious organization (not an event place), were asked by the school, Southern Philippines Institute of Science & Technology (SPIST), if we can allow the use our church facility for their graduation event," panimula ng opisyal na pahayag.

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng SPIST sa pamamagitan ng President at CEO nitong si Dr. Erlinda Manzanero.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/presidente-ng-paaralang-nag-imbita-kay-sass-sasot-para-sa-graduation-ceremony-may-opisyal-na-pahayag/">https://balita.net.ph/2022/06/04/presidente-ng-paaralang-nag-imbita-kay-sass-sasot-para-sa-graduation-ceremony-may-opisyal-na-pahayag/

Sa isa pang hiwalay na opisyal na pahayag ay humingi naman sila ng paumanhin kay Sasot.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/pamunuan-ng-paaralan-humingi-ng-dispensa-kay-sass-sasot-dahil-sa-graduation-ceremony-incident/">https://balita.net.ph/2022/06/04/pamunuan-ng-paaralan-humingi-ng-dispensa-kay-sass-sasot-dahil-sa-graduation-ceremony-incident/

Ngayong Linggo, Hunyo 5, nagbigay naman ng reaksiyon at komento rito si Remulla, bilang sa kaniyang nasasakupang lalawigan naganap ang insidente. Naka-address ito kina Sass Sasot at Representative ng Bataan na si Geraldine Roman.

"EQUALITY"

“'We are both part of the same hypocrisy.'- Michael Corleone, The Godfather (1974)."

"What a shame! This is not what Cavite is all about. This is not what the Southern Philippines Institute of Science and Technology is all about. This is not what the present and the future is all about."

"This is about people who use the shield of their faith to spread hate and bigotry where a church should be about compassion and tolerance."

"How do you change the minds of these people? They are using the bible in the most dangerous way possible; using the old testament in the context of a culture 2,000 years old."

"My bestfriends from high school and college were gay. My staff in the Capitol consists of every color in the rainbow. We are happy, productive, and tolerant of each other."

"Pronouns don’t matter to me as much as competency and honesty."

"No matter what, continue to be a voice for those who cannot defend themselves. No one can silence the roar of a righteous cause. Nothing can dim the light that shines from within."

"I am on your side and the whole LGBTQ community on this."

Screengrab mula sa FB/Cavite Governor Jonvic Remulla

May be an image of text that says 'Section 4 4 of of the Provincial Ordinance considers it unlawful to discriminate any person and/or group of persons on the basis of their sexual orientation and gender identity and expression or those who belong to the LGBTQ community. JONVIC REMULLA TAPAT SA BAYAN. TAPAT SA USAPAN.'
Screengrab mula sa FB/Cavite Governor Jonvic Remulla

Kalakip ng Facebook post ni Remulla ang screengrab na nagpapakita ng Provincial Ordinance na nagbabawal sa sinuman na magsagawa o magpakita ng diskriminasyon, anuman ang oryentasyong sekswal nito.

Samantala, sinabi na rin ni Sasot na wala siyang balak kasuhan ang COG. Ang honorarium pa umano na pilit ibinibigay sa kaniya ng SPIST ay ayaw niyang tanggapin, at i-donate na lamang daw sa COG na mismong nagpaalis sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/04/cancelled-na-si-sass-sasot-idinetalye-mga-nangyari-sa-grad-ceremony-incident-may-kakasuhan-ba/">https://balita.net.ph/2022/06/04/cancelled-na-si-sass-sasot-idinetalye-mga-nangyari-sa-grad-ceremony-incident-may-kakasuhan-ba/

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon ang pamunuan ng COG Dasma sa pahayag ng gobernador ng Cavite.