Wala umanong pakialam si Unkabogable Star Vice Ganda kung matawag siyang ‘Sir’ o ‘Ma’am’ ng ibang tao lalo na’t nasa pampublikong lugar, subalit nakiusap naman siya sa lahat na hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang sitwasyon o pagtanggap ng ibang taong miyembro ng LGBTQIA+ community.

Naungkat ang tungkol dito dahil sa isang kahalok ng 'Showtime Sexy Babe' tungkol sa "Hi, miss" mula sa mga estranghero sa kalsada. Nagbiro si Vice na siya nga raw, 'Hi, sir!' ang itinatawag sa kaniya kahit na posturang babae na siya.

Pero aniya, hindi raw siya napipikon o nasasaktan sa mga ganoon. Isa kasi siyang non-binary.

"Hindi ako na-ooffend sa ganyan. Actually marami nga lagi nagtatalo kung paano nila ako i-aaaddress, kung sir or ma'am, kung he or she ako kasi (dedma) ako," ani Vice.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa kabilang banda, nagpaalala naman si Vice na hindi niya kagaya ang iba. May iba rin kasing kailangan munang tanungin kung paano sila tatawagin o kung anong pronoun ba ang gagamitin sa kanila.

"Yung iba kailangan mong tanungin how to be addressed kasi siyempre mahirap i-base sa hitsura lang," aniya.

Ngayong Hunyo ay ipinagdiriwang ang 'Happy Pride Month' ng LGBTQIA+ community.