Apat katao ang inaresto ng pulisya, kabilang ang isang nagpakilalang pulis, dahil sa umano sa pagbebenta ng mga pekeng bara ng ginto sa ikinasang entrapment operation sa Cagayan de Oro nitong Sabado.
Kabilang sa mga inaresto siRey Naranjo, 58, taga-Brgy. Indahag, Cagayan de Oro, at tatlong hindi pa isinasapubliko ng pulisya ang pagkakakilanlan hangga't hindi pa naaaresto ang lima pang kasamahan.
Sa ulat ng pulisya, angmga suspek ay pawang miyembro umano ng Ganghaan Landless Association (GALA) nia nagbebenta ng mga gold bar, partikular na sa lungsod, Misamis Oriental at Bukidnon.
Hindi na nakapalag ng apat na suspek nang dakmain ng mga tauhan ngCity Mobile Force Company (CMFC)matapos tanggapin ang marked money sa Barangay Gusa nitong Hunyo 4.
Dalawang gold bar na paniniwalaanng pulisya na peke ang nakumpiska, bukod pa ang tatlong mobile phone, marked money at PNP identification (ID) card na nakapangalan kay Naranjo.
Sinabi ng mga awtoridad, ibinebenta ng mga suspek ang dalawang bara ng ginto na nagkakahalaga ng P1.8 milyon na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.
Bago pa isinagawa ang operasyon ng pulisya, nagreklamo ang babaeng biktima na taga-Opol, Misamis Oriental nang hingan umano ito ng mga suspek ng₱500,000 kapalit ng bara ng ginto noong Abril.
Idinagdag pa ng pulisya na ang modus operandi ng apat ay ipakita ang tunay na gold coins sa mga bibiktimahin at kapag nakumbinsi na ay iniaalok na ang mga gold bar.
Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban sa mga suspek na nakapiit pa rin sa Cagayan de Oro Police Office.
PNA