Nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulusan Volcano sa Sorsogon nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

"This is to notify the public and concerned authorities of an ongoing phreatic eruption at Bulusan Volcano. Details to follow," ayon sa Facebook post ng Phivolcs nitong Hunyo 5 ng umaga.

Sa pahayag ng Phivolcs, dakong 10:37 ng umaga nang pumutok ang bulkan at tumagal ito ng 17 minuto.

Sa paunang ulat naman ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bigla namang dumilim sa ilang lugar sa Irosin, Sorsogon at sa Juban matapos umulan ng abo mula sa bulkan.

Probinsya

Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp

Kaagad namang isinailalim sa Alert Level 1 ang bulkan na nangangahulugang patuloy pa ito sa pag-aalburoto kung saan ipinagbabawal ang paglapit at pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone (PDZ) nito.

Inaalam pa ng Phivolcs ang iba pang lugar na apektado ng ashfall.

Ayon sa ahensya, ito ang unang pagputok ng bulkan mula noong 2017.