Itinanghal na bagong Most Valuable Player (MVP) ng Philippine Basketball Association (PBA) si Gin Kings player Scottie Thompson nitong Hunyo 5.

Napanalunan ni Thompson ang award sa ginanap na opening ceremonies ng 47th Season ng PBA sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City nitong Linggo.

Kahit mababa ang kanyang statistical points kumpara sa apat pang nominado para sa naturang pagkilala, nakuha pa rin ni Thompson ang boto ng mga manlalaro, media, at ng PBA Commissioner's Office upang talunin sina Mikey Williams (TNT), Robert Bolick (NorthPort), at Calvin Abueva ng Magnolia para sa individual award ng liga.

Nakakuha si Thompson ng kabuuang 2,836 puntos, lagpas-doble sa iskor ng second placer na si Williams na mayroong 1,332 puntos, Bolick (1,295), at Abueva (1,066).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kahit hindi kabilang sa nominado sa pagka-MVP si June Mar Fajardo na hawak nito mula 2014 hanggang 2019, kasama pa rin ito sa Mythical First Team.

Naiuwi naman ni Juami Tiongson ng Terrafirma, ang Most Improved Player award habang nakuha naman ni Kevin Alas (NLEX), ang Samboy Lim Sportsmanship Award.