Usap-usapan ang latest na imbensiyon ngayon ng mga siyentipiko sa Japan---isang 'robotic finger' hindi lamang para sa human augmentation, kundi para daw mas mapag-aralan ang utak ng tao.

Ayon sa ulat ng GMA News Digital, ang naturang robotic na hinliliit o pinakamaliit na daliri sa kamay ay maaaring ikabit at maging extra at pang-anim na daliri, na inimbento sa University of Electro-Communications sa Japan. Maaari umanong mapagalaw ito sa pamamagitan ng 'electric signals' mula sa kalamnan ng kamay, na isinasalin at ipinadadala naman ng sensors sa motor ng robotic finger.

Kasalukuyan pa ring inoobserbahan ang naturang imbensiyon upang mapag-alaman ang relasyon ng utak ng tao sa artipisyal na bahagi ng katawan.

"We know that we can move our body with our brain, but when a new body part is formed, can the brain adapt?" sey ng isa sa mga imbentor nitong si Prof. Yoichi Miyawak, mula sa nabanggit na unibersidad.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Sinimulan daw nila ito naging interesado silang malaman kung paano tatanggapin ng utak ng tao kung may extra at ikaanim na artipisyal na daliri ang isang tao.

Maaari itong makatulong sa ilang mga gawain, kagaya na lamang ng pagta-type sa mga keyboard ng computer o laptop, sa cellphone, o pagbubuhat ng mas maraming bagay.

Kapag nanging matagumpay ito, maaari na raw idisenyo ng tao ang ilang bahagi ng kaniyang katawan, at mawawala na raw ang konsepto ng normality.

"You think what is normal and what is a handicap? Would you be handicapped if you are not normal? I have a feeling that this concept will entirely change," dagdag pa ng propesor.