Sa kauna-unahang pagkakataon, magtatambal sa isang digital romantic comedy series sina Kapamilya actor Joseph Marco at Kapuso actress at contestant sa Binibining Pilipinas na si Herlene 'Hipon Girl' Budol.

Handa nang magpakilig sina Joseph at Herlene sa upcoming online series na 'Ang Babae sa Likod ng Face Mask,' isang 13-episode romantic comedy series na hatid ng Puregold, sa panulat ni award-winning filmmaker Chris Cahilig, at sa direksyon naman ni critically-acclaimed director Victor Villanueva.

Si television heartthrob Joseph Marco ay nakilala sa mga teleserye ng ABS-CBN gaya ng 'Sabel,' 'Honesto,' 'Pasion de Amor,' at 'Wildflower'.

Sa kasalukuyan, kasama siya sa cast members ng 'FPJ's Ang Probinsyano'.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Masayang-masaya naman si Herlene dahil ito ang kauna-unahan niyang rom-com series na siya mismo ang bida.

“Napaka-exciting na opportunity ang ibinigay ng Puregold sa akin,” ani Herlene. “Gusto ko ipakita sa lahat ng followers at Hiponatic supporters ang kakayahan ko bilang isang leading lady.”

“Sobrang lucky ako na kasama ko si Joseph Marco para sa show na ito. Siyempre, you always want to work with the best, kaya ang saya ko talaga noong nalaman ko na si Joseph Marco ang leading man ko.”

Joseph Marco at Herlene Budol (Larawan mula sa Puregold)

Matatandaang ang unang leading man sana rito ni Herlene ay si Kapamilya actor Kit Thompson, subalit isang araw bago mailabas ang unang episode ay sumabog ang balita ng pananakit niya sa jowang si Ana Jalandoni. Dahil dito, naantala ang pagpapalabas ng naturang Puregold digital series.

Excited na rin si Joseph Marco na mapanood ng kanilang mga tagahanga ang kanilang mga pinaghirapan.

“Ang exciting talaga. I’m super honored that Puregold chose me to the leading man for the show. It’s been an absolute joy working with Herlene, and I think the viewers will be able to feel how much fun we had working together through the screen.”

Ang kuwento ng 'Ang Babae sa Likod ng Face Mask' ay tungkol sa isang 25 anyos na kahera o cashier na si Malta (Herlene Budol), na nagpapakasipag sa trabaho para sa kaniyang inang si Madam Baby, na ginampanan naman ng seasoned actress, na si Mickey Ferriols.

Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita sina Malta at Sieg (Joseph Marco) na na-love at first sight kay Malta dahil sa magaganda niyang mga mata. At doon na iinog ang kanilang love story lalo't hindi pa nakikita ni Sieg ang kabuuan ng mukha ni Malta dahil sa suot na face mask, dulot ng pandemya.

Joseph Marco at Herlene Budol (Larawan mula sa Puregold)

“Ang classic ng kwento,” saad ni Herlene. “Nakakakilig, nakakatawa, lahat ng gusto mo sa isang series, meron kami rito.”

“Ang seryeng ito ay inihatid ng Puregold na inspirasyon sa mga classic Filipino teleseryes na napanood ng lahat sa mga nagdaang dekada.

Para kay Puregold marketing manager Ivy Piedad, “The ever-present face mask is now a symbol of hope and self-love for our lead in this new series. And we hope to entertain a large number of viewers online especially given the Pinoy’s fondness for light, romantic comedies.”

Mapapanood na ang pilot episode ng 'Ang Babae sa Likod ng Face Mask' digital series nang libre sa YouTube Puregold Channel tuwing Sabado, 6PM, simula Hunyo 11, 2022.