Tila may patutsada ang GMA news anchor na si Raffy Tima sa kaniyang tweet nitong Hunyo 2, 2022.

"In journalism, there are no stupid questions, only stupid answers," aniya sa kaniyang tweet. Hindi naman idinetalye ni Tima kung para kanino ang kaniyang pasaring, at kung ano ang dahilan kung bakit siya nagpakawala ng tweet na ganito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

https://twitter.com/raffytima/status/1532183717891887104

Ngunit bago ang tweet na ito, may mga nauna pa siyang tweets tungkol sa journalism. Niretweet niya ang post ni Dr. Danna Young, isang author at professor ng Comm & Political Science sa Amerika.

"The media's bias in favor of specific events/stories about individual people contributes to a way of thinking about the world that emphasizes the role of the individual over systemic solutions…" reaksiyon nito sa isang ulat patungkol sa nangyaring shooting incident sa isang paaralan sa Uvalde, Texas, USA.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Luh. Wala namang nakakahiya kung aminin mong minsan tatanga-tanga talaga ang journalist kung magtanong. Natural lang naman 'yon. Jusko."

"Ay may mga stupid questions din po. Pag ang isang tao umiiyak dahil namatayan bakit kailangan pang itanong ng reporter kung bakit umiiyak."

"But there are malicious and biased questions sir."

"Maybe, it depends on what kind of journalist is asking the question… Pag matinong journalist, definitely, no nonsense talaga ang itatanong."

"Meron din naman lalo na yung ninenerbiyos sigurong journo o yung di gumawa ng homework niya bago pumunta sa beat. Pero kung beterano ng journo, dapat talaga no more stupid questions. Kaso these days, some stupid suck-up bloggers will take over your place."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o panibagong tweet si Tima tungkol dito.