Bilang isang ama, hindi naging mahirap para kay Ian Veneracion na yakapin ang tunay na kasarian ng kanyang anak na si Dids.

Ito ang isa sa mga kwentong muling ibinahagi ng aktor sa YouTube vlog ni Karen Davila kamakailan. Binalikan ni Ian ang coming out story ng kanyang panganay na si Dids noong 16 taong-gulang lang ito.

“Sabi ko sa kanya, ‘Never ever be apologetic about your preferences. Even with me, don’t apologize.’ It has nothing to do with intelligence, it has nothing to do with sense of integrity; has nothing to do with anything actually. It’s just preference,” sabi ni Ian.

Bata pa lang umano si Dids, nakita na ni Ian ang mga sensyales ukol sa tunay na kasarian ng anak.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

“Sobrang athletic niya. Brusko talaga siya. She enjoys running, wrestling, football, stuff like that,” pagbabahagi ni Ian.

“Actually, I was praying. Kasi takot ako ‘pag niligawan ‘tong anak ko ta’s baka lokohin, baka saktan ‘to,” dagdag niya.

Sunod din na ikinuwento ni Ian dati niya pang hangad na maging lesbian si Dids.

“Saka bata pa lang siya I would tell my directors, meet her, ganyan-ganyan… ‘Im going to turn her into a lesbian.’ Lagi, jino-joke ko kasi nga sabi nila, ‘You’re so selfish.’ Sabi ko, ‘Yes, I am. She’s my heart.’”

Para kay Ian at sa ina ni Dids, suportado nila ang anak kung saan ito magiging masaya.

Hiningi naman ni Karen ang komento ni Ian sa mga magulang na nais pa rin masunod kagaya ng pagpilit ng ilan sa LGBTQ+ members na ikasal sa opposite sex at kalauna'y bumuo ng sariling pamilya.

“We have our lives to live and they have their lives. They don’t come from us. They come through us lang. They’re with us for what, twenty years. Hindi ako willing to strain that relationship para masunod yung gusto ko kahit hindi yun yung gusto niya. That’s absurd,” anang aktor.

Taong 2020 nang unang ibahagi ni Ian sa publiko ang kuwento ni Dids sa programang “Magandang Buhay.”

&t=852s