Pumalag ang Department of Health (DOH) sa lumabas sa social media na puno na ng pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang Philippine General Hospital (PGH) at Makati Medical Center (MMC).

Binalaan ng DOH ang publiko na maging maingat sa pagpapakalat ng impormasyon at alamin muna ang pinagmulan nito upang hindi mabiktima ng fake news.

“MMC has already issued a clarification of its carefully managed operations and availability for COVID-19 cases should there be a spike (there is none). PGH has clarified that being a public service hospital in high demand, it is occupied by mostly non-COVID-19 cases, and is simply advising the public to please coordinate admissions first,” panawagan ng DOH.

Nitong Sabado, naitala ng Pilipinas ang 213 bagong nahawaan ng sakit kaya umabot na sa 2,436 ang naging aktibong kaso nito sa nasabing petsa.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Paliwanag ng ahensya, nakitaan lamang ng bahagyang pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa, gayunman, kumpiyansa pa rin sila na hindi pa dapat bawiin ang ipinatutupad na state of calamity.

Kaugnay nito, pinag-iingat pa rin ng DOH ang publiko dahil sa nakahahawang Omicron sub-variant BA.2.12.1 sa bansa dahil umabot na ito sa 22 kaso.

Apela pa ng ahensya, sumunod pa rin sa ipinaiiral na safety at health protocols upang hindi na tumaas pa ang kaso nito.