ILOILO CITY – Itinuturing ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 6 (Western Visayas) ang rehabilitasyon ng sikat sa buong mundo na Boracay Island bilang isang mahalagang environmental achievement ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa rehiyon.

“So far, the Boracay rehabilitation is the biggest in terms of the interventions made,” ani DENR Region 6 Director Livino Duran kasunod ng pagdiriwang ng Environment Month.

Habang hindi pa tapos ang rehabilitation program ng pinakasikat na beach destination sa bansa, halos 90 percent na itong kumpleto.

Kinailangang isara ang resort island sa Malay, Aklan sa loob ng anim na buwan noong 2018 para bigyang daan ang pangmatagalang rehabilitasyon na kinabibilangan ng pag-alis ng mga iligal na istruktura mula sa tabing-dagat, kagubatan, at wetlands.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inamin ni Duran na marami ang nag-isip na imposibleng gawain ang rehabilitasyon sa Boracay. “The Boracay closure really hurt. It costs a lot. We were serious. It wasn’t a joke,” sabi ni Duran.

Sinabi ni Duran na itinulak ng pamunuan ni Secretary Roy Cimatu bilang DENR chief ang seryosong rehabilitasyon dahil pinangunahan ng DENR ang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, umaasa ang DENR Region 6 na magiging prayoridad pa rin ng susunod na administrasyon ang rehabilitasyon upang mapanatili ang balanse ng kapaligiran sa turismo na crown jewel ng bansa.

Tara Yap