Pinag-aaralan na ngayong dagdagan ang presyo ng tinapay at sardinas dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng raw materials.
Sa pahayag ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking), aabot sa P4.00 per pack ang nais nilang idagdag sa presyo ng Pinoy Pandesal na ngayo'y nasa₱23.50 per pack, gayundin sa Pinoy Tasty (sliced bread) na nabibili pa rin sa₱38.50.'
“I have a strong feeling that the DTI Secretary will agree to it,” paliwanag ni PhilBaking president John Lu Kua sa isang panayam sa telebisyon nitong Linggo.
"If for example the price of bread could not be adjusted, then the income of the bakers would not go up and the ability to pay would be very limited,” anito.
Humihirit naman ang Southern Philippines Deep Sea Fishing Association (Sophil) na maitaas ng₱1.00 ang presyo ng sardinas, bukod pa ang₱0.75 kada buwan dahil umano sa tumataas na presyo ng maninipis na latangginagamit sa nasabing produkto.
"‘Yun ang gauge ng market ano, kung nagtaas ang sardines. Mahihirapan ang tao dahil nga most people, pinakasimpleng pagkain ang sardinas. May dalawang brand ng sardinas that went up this June,” paglalahad naman ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua.