Nadagdagan pa ng 213 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa nitong Sabado.

Sa kabuuan, umabot na sa 3,691,327 ang Covid-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Umaabot pa sa 2,436 na aktibong kaso ng sakit ang naitala nitong Hunyo 4, na mababa kumpara sa 2,441 nitong Hunyo 3.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nakitaan naman ng bahagyang pagtaas ng kaso ng nahawaan ng sakit sa National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Soccskargen.

Politics

Matapos ang eleksyon, mensahe ni PBBM: 'Put all the politics aside'

Wala namang naiulat na binawian ng buhay sa sakit sa nabanggit na petsa.

Umaabot naman sa 3,628,435 ang pasyenteng nakarekober sa Covid-19.