PANGASINAN - Puntirya ng municipal government ng Asingan na makuha ang Guinness Book of World Records sa idaraos nilang Kankanen Festival sa susunod na taon.

Ayon kay Mayor Carlos Lopez, Jr., tatangkain nilang maglatag ng pinakamahabang malagkit na aabot sa isang kilometro sa Hunyo 3-5 sa susunod na taon.

Matagal na aniya nilang planong gumawa ng rekord mula nang simulan ang nabanggit na pagdiriwang noong2011, gayunman, hindi matuluy-tuloy dahil sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“We were aiming for a one-kilometer long of our sticky rice or glutinous rice delicacyinkiwaramong otherkankanen(sticky rice delicacies), which is very popular in our town. We plan to set up the world record attempt at the Ramos Bridge, probably next year if the restrictions on the pandemic would already allow us to do it,” banggit ng alkalde.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Bukod dito, nais din aniya nila na maibida sa publiko ang kanilang produkto at bigyan ng pagkilala si dating Pangulong Fidel V. Ramos na tubong Asingan.

“This bridge, named after President Ramos, connects our town and Sta. Maria town,” pahayag pa ni Lopez at sinabing ang inkiwar ay isinalarawan sa pag-uugali ng kanilang bayan na may pagkakaisa.

PNA