Ibinahagi ng social media personality na si Mark Averilla, o mas kilala bilang 'Macoy Dubs', ang tungkol sa pag-iimbita sa kaniya ng dating kaklase noong elementarya, na maging ninong siya ng anak nito.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng ninong at ninang sa isang binyag. Sila ang tatayong pangalawang mga magulang sa kanilang mga inaanak, kung sakaling mawala ang mga ito. Iyan ang panatang binabanggit ng mga ninong at ninang sa seremonya ng binyag; mabigat na responsibilidad, kaysa sa pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon gaya ng kaarawan o Pasko.

Screengrab mula sa FB/Macoy Dubs

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"The acidity of this classmate ha," sey ni Macoy sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Hunyo 3.

Tila hindi yata naging maganda ang mga alaala at karanasan ni Macoy sa naturang kaklase.

"Hindi ko pa din makakalimutan na nilagyan mo ng patis baon kong kanin at vienna sausage at scrambled egg noong grade 4. Hahahahaha."

"The university of your manners na tanungin akey if pwede akez mag ninong-chi? Wake up, you’ve never been a good person to me. hahahaha."

Ibinahagi rin ni Macoy ang screengrab ng kanilang conversation thread sa chat.

"Hi Macoy, I know I've been mean to you when we were still in Grade 4 pero can I get you as a Ninong for my baby boy?" tanong ng dating kaklase ni Macoy.

May pahabol pa ito, "Nakakahiya kasi hindi tayo close hehe."

Bilang tugon, ipinadala ni Macoy ang kaniyang selfie na tila may alanganing ngiti. Saka ito sinundutan ng "The acidity (na maaaring pakuwela ng 'audacity')."

"Okay I get it. Haha thank you," sabi ng kaklase.

May be a closeup of 1 person and text that says 'Hi y, i know i've been mean to you when we were still in Grade 4 pero can I get you as Ninong for my baby boy? nakakahiya kasi hindi tayo close hehe The acidity. okay i get it. haha thank you'
Screengrab mula sa FB/Macoy Dubs

Sa comment section ay ipinagpatuloy pa ito ni Macoy. Klinaro umano ng kaklase kung it's a no. All-caps YES ang sagot niya.

Tila relate-much naman ang mga netizen at umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Ang ninong 2nd parent 'yun. Wala kayong close relationship ng magulang to begin with. Nakakaduda naman ang intention niya. Pero kung may handang shanghai at conchillo ay mag-doble-isip."

"OMG nakakahiya! I wouldn’t even dare ask kung hindi kayo close and yet may kasamaan ka pa na ginawa the nerve."

"Macoy, may kasabihan na bawal daw tumanggi kapag inalok na maging ninong o ninang."

"Good decision po na di ka nag-agree. Parang yung classmate ko lang 'yan noong HS. He bullies me a lot back then (dahil daw sa pabebeng voice ko, pero it's my normal voice naman po talaga) & after few years aba'y inaalukan ako ng mga anik-anik."

"Di pala close bakit kinukuha ka Ninong? The acidity talaga."

Si Macoy Dubs ay mas nakilala sa kaniyang karakter na 'Aunt Julie'. Saglit siyang naging TV host ng noontime show na 'Lunch Out Loud' o LOL sa TV-5.