Papakinabangan ng mga manggagawa sa Region 4A (Calabarzon) at Davao Region ang taas-suweldong inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) kamakailan, ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Sabado, Hunyo 4.

Paliwanag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, makatatanggap ng₱47 hanggang₱92 na dagdag sa sahod ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (Calabarzon).

Aabot sa 1.8 milyon ang manggagawa sa Region 4A, ayon sa DOLE.

Nasa₱47 naman ang idinagdag sa suweldo ng mga manggagawa saDavao Region.

Probinsya

Mga biktima sa ‘SCTEX road crash,’ mga papuntang bakasyon at children’s camp

Ipatutupad ang dagdag na suweldo sa Davao, gayunman, hahatiin ito kung saan sa una ay ibibigay ang₱31 at₱16 naman simula Enero 1, 2023.

PNA